Entries for February, 2009
February 8th, 2009
overly sensitive but still standing POSTED AT 02:23 AM hai blog. sup. eto na naman ako. parang sunod sunod ang dagok sa kin ng buhay ngayon ah. nagkaroon na naman ng sagutan kanina. 'twas not what I had in mind when I started that conversation. I ended up walking out of the room feeling hurt, but, somehow, not that angry. still hurt, though. okay lang, okay lang.. sulat na lang tayo habang nagpupulot ako ng mga piraso ng aking basag na pagkatao. anyway, medyo proud din ako sa sarili ko ngayon. kahit madalas ang pagdating ng mga salitang masasakit, mabilis naman ako nakaka cope up. may method kase ako ng pag handle sa stress sa paligid ko ngayon, eh. madali lang naman gawin yun. nakatulong din kase yung sitwasyon ko ngayon na kung saan kawawa ako pero kasalanan ko rin kung bakit ganito. madali kong naaaninag na wala akong laban sa kahit anong sagupaan. so parang, kahit anong sabihin sa kin, kahit masakit, lunok na lang ako. di naman sa sinasalo ko lang lahat para feeling kawawa. 'di yun, di ako masokista. talagang no choice lang, eh. walang lulusutan. saka, malapit sa akin yung mga nagsasabi nun eh. di naman ako galit sa kanila dahil dun, dahil may punto nga naman sila lahat. ang kailangan ko lang gawin eh, everytime may nananakit sa 'kin, dapat marealize ko rin na hindi naman ako sasaktan kung wala akong kasalanan, di ba? iba man ang points of view namin, eh still, may mali pa rin ako kaya napunta sa ganung outcome. masakit, oo, pero ganun talaga. the truth hurts, ika nga. besides, wala rin naman akong ibang paraan in case gusto ko pairalin ang init ng ulo ko. una, wala akong value bilang tao. so hindi ko pwede i-assert ang sarili ko sa ibabaw ng iba. therefore, hindi rin ako pwede makipagsabayan ng galit sa ibang tao dahil wala akong maibabato laban sa kanila. emo na kung emo, pero parang ako lagi ang mali. siguro di na lang ako nagba-bother na makipagbatuhan ng putik, aksaya lang sa effort yun, mabuti pang lumayo na lang. ikalawa, wala rin naman akong alternate options. di ako pwede lumayas dahil wala pa ako sariling pera at inutil pa ako (pero parang gusto ko na talaga, shet). ayaw ko rin magpakamatay dahil masakit at labag sa paniniwala ko bilang katoliko. maliban pa dun, sa dalawang options na yun, wala akong gains at puro ako losses. kaya wala rin. balik ako sa status quo. well, in the first place, ayoko rin naman manakit eh. mas mabuti na yung walang conflict. nakakaistorbo yung may kaaway. tsaka, yung sinabi ko na 'walang magagalit sa kin kung wala akong kasalanan' eh nag aapply din naman sa ibang tao eh. so hindi naman ako magagalit kung wala akong dahilan. unfortunately, not everyone shares those particular views of mine. pero again, okay lang.. okay lang. ireremind ko na lang ulit ang sarili ko na isa akong worthless mammal, hahaha. that was not a sarcastic remark, by the way. seryoso akong nagsasabi na ako ay worthless. kase sa tingin ko yun talaga ang dahilan kung bakit nagsimula ang buong gulo na 'to sa buhay ko, in the first place. basta sana, balang araw, magbago rin yung pananaw kong yun sa sarili ko. pero sa ngayon, lunok lang muna. ciao. 2 moonshine poured
|
|