Entries for February, 2006
February 1st, 2006
tear goggles. POSTED AT 07:00 PM I'm really missing my princess right now. I'll be going to baywalk on friday. lots of memories there. and maybe.. maybe.. I'll see her again. through eyes filled with tears. I'll see her again. right beside the fountain, with light dancing in her eyes and the sun shining from above. and maybe then I'll feel that queer amalgam of happiness and tranquility at that place again. that strange feeling that I can only feel when she's around. the best feeling in the world. feel it again. that's what I'll do. grab that feeling and take it home. so I could have something to sleep to at night again. just to take these goddamn tears away from my face. I'll see her again. friday. with these tear goggles of mine. 2 moonshine poured
|
|
February 5th, 2006
scotty doesn't know~ POSTED AT 09:49 PM anyway, eto lyrics nung asteg na song na yun. performed by Lustra. shet, komedi 'tong kantang 'to, hahahaha. Scotty Doesn't Know Scotty doesn't know that Fiona and me Do it in my van every Sunday. She tells him she's in church but she doesn't go Still she's on her knees and Scotty doesn't know! Oh Scotty doesn't know! So Don't Tell Scotty! Scotty doesn't know! Scotty doesn't know! So Don't Tell Scotty! Fiona says she's out shopping, But she's under me and I'm not stopping... Because Scotty doesn't know! Scotty doesn't know! (X3) So don't tell Scooty! Scotty doesn't know! I can't believe he's so trusting, While I'm right behind you thrusting. Fiona's got him on the phone, And she's trying not to moan. It's a three-way call and he knows nothing! Scotty doesn't know!(X3) So don't tell Scotty! Scotty doesn't know!(X3) We'll put on a show! Everyone will go! Scotty doesn't know! Scotty doesn't know! Front of a parking lot? Why not? It's so fun when you're on top! It's full on in the snow If it's a hunk(?) because Scotty doesn't know! We did it on his birthday... Scotty doesn't know!(X4) Scotty doesn't know! Scotty won't know! Scotty doesn't know! Scotty's gotta know! Gotta tell Scotty! Gotta tell him myself! Scotty doesn't know! (X10) [Chant] Scotty doesn't know! (x7) [Chant] Scotty's gotta go! Listening to: scotty doesn't know! scotty doesn't know! scotty doesn't know! Watching: sana hindi 'andoy doesn't know' LOL |
|
February 6th, 2006
tired. POSTED AT 07:14 PM Babala: Sa o sa mga kaklase kong posibleng bumisita sa aking weblog, ang mga susunod na mga pahayag ay pag aari ng iyong lingkod, si andy. wala kayong maaaring dalhin na impormasyon na makukuha o makakakalap man sa website na ito, palabas man para maibahagi sa ibang mga kaklase o ipagkalat sa madla. para sa inyong mga mata lamang. you have been warned. LOL parang papatay eh no. joke lang, dear classmates. basta iwas lang sa chismax kung may mapupulot kayo dito ha? got it? good. ![]() well, anyway, I have'nt exactly updated this blog on what I've been doing for the past several weeks. well, the third trimester on our school has started last month, and I've been quite busy on schoolwork, even though we have'nt really started yet. but the lessons are pretty fast-paced, so I can't just be sitting on my ass all day listening to music and playing games. note to myself: from now on, I'll be studying really good. I'll get good grades. easy stuff, as long as I put my mind into it .recently, I feel like I get tired easily. the week just started and I feel like I'm already worn out. maybe I was just rusty from last trimester's hiatus. I'll soon see enough if that is the case. if not, well, I'll have to go to the gym then. have to shape up! oh, and I'm planning to get my driver's license this summer. I know it's pretty early to plan for summer, but well, time feels pretty fast when you're busy. time is fast. that's a good thing for me. really good thing. I just wish it'ld be fast enough so that tomorrow's gonna be 4 years later. *kneels and hopes for time to speed up* XD anyway.. school. school turned out pretty nice this trimester. nice classmates (except for the block section ones. they act as if I don't exist.), nice professors, an almost nice schedule (friday ruined my beautiful sched. 6 hours of pure non-stop vacant time. woohoo.), and, I have to admit, fewer queues. that turned out pretty nice for me. that's the thing I hated about my school once. long, loooong lines that can stretch up into the unseen horizon. thank God they're gone now. hmm, I'm tired. and I'm hearing my dad talking shit right now. time to play dem games, hoho. ciao.
Listening to: radioactive sago project - alcohol |
|
February 10th, 2006
hahahaha! POSTED AT 04:08 PM my hair was that bad?! omygosh. back then, I actually believed that my hair was pretty cool. now that I have a new (more decent) hairstyle, I was wondering what went through my head during those days when I had that hair. damn, my hair was that bad? |
|
February 14th, 2006
16th on the 14th of the 2nd of 2006 XD POSTED AT 08:59 PM happy 16th monthsary, my princess rika. ![]() tuloy lang ang bilang natin ha? tuloy lang, baby. hmm, teka may nakakalimutan ako eh. ah, onga pala no, valentines ngayon. batiin ko pa ba kayo? hmm.. yoko. joke lang. sarap sumakay sa bandwagon eh, LOL. happy valentines' day sa inyong lahat! ciao. |
|
February 19th, 2006
eto ang time capsule~ LOL POSTED AT 01:44 AM September 11th, 2004 Dream Girl~ POSTED AT 09:54 am (mahabang post bago umabot sa point na 'to..) Now I'm getting confused all over again...shall I be content with what we have...or take the hard road and go for it? Actually, I'm still having doubts about whether I'm worthy to keep her or not, marami pa akong lalagpasan na mga tao't standards para masabi kong pwede na ako. Hindi pa kasama dun yung mga iba kong problema dito sa side ko...Hanggang ngayon hindi pa rin sinasagot yung dasal ko na tulungan ako ng langit mag desisyon, naka on-hold pa yata yung prayer request ko. So, tanong ko na lang sa makakabasa nito, kung meron man, da one-million-yen question: Pakakawalan ko ba si dream girl from tabulas? *tunog ng jeopardy* LOL (may nilagay akong memegen dito. cut na natin, LOL..) 6 moonshine poured -------------------------------------------------------------------------------- You are currently logged in as Blacksword. prinsesa_ryxx Comment posted on August 19th, 2005 at 06:25 PM ay ay alam ko na sagot mo dito. hindi mo pinakawalan. ^___^ and i'm so glad you didn't let her go. *mwah* i love you sooooooo much. ^___^ who wouldv'e thought aabot tayo sa ganto~ *huuuuug* Reply to this comment Blacksword Comment posted on February 19th, 2006 at 01:39 AM in reply to prinsesa_ryxx hahaha madaya ka eh~ matagal nang expired yung timer, LOL. pero yeah, tama ka. kaso iba nga lang prize mo. ako syempre I love you sooooo much, my princess. ^___^ Reply to this comment (tindi sa sagutan no? LOL) |
|
February 20th, 2006
new layout POSTED AT 12:41 AM well, tinulungan din ako ni sis. but I did most of the work, hehehe. and by the way, nagpalit ako ng layout dahil sa gusto ko gumawa ng sarili kong layout. 'di dahil sa nagsawa na ako sa nakaraang layout. ganda nun eh. kung dalawa lang blog ko, di ko na tatanggalin yun dito. sorry baby~ T__T. wala lang, siguro dahil sa html classes ko ngayon. gusto ko hasain yung budding html skills ko, kaya eto .hostile reactions are very much welcome this time. gawa ko 'to eh, so criticize nyo na! LOL. |
|
February 28th, 2006
sana wag pulis makabasa nito, LOL POSTED AT 08:42 PM so anyway, bago ang lahat, may gusto lang ako murahin.. addbot ka Gloria! :p LOL wag gaano explicit, baka damputin na ko agad dito eh, hahaha. well, anyway, usually di ko gusto magsasalita tungkol sa pulitika at lagay ng bansa natin dito sa blog ko. pero palagay ko, affected din ako just as much as the next guy you'll see demonstrating their protests agaist GMA on the streets. and besides, rebolusyonaryo din ako eh, tamad nga lang. ah basta, time to speak out. (warning: long post. at syempre, these are only my opinions. I'm not trying to impose anything on anybody's mind. it's up to you if you go and agree what I say, or be offended with my words, or ignore them totally. last, public space pa rin ang comments area ko ).alin ba sa mga nangyari nung nakaraang linggo yung pinaka nakakaasar? yung attempted coup? yung pagrarally ng mga demonstrador sa edsa? o yung pagdedeclare ni cruella de ville ng state of national emergency? ewan, tirahin ko na lang lahat ng mga yun. una, sa mga gumawa ng attempted coup. honestly, di ko suportado 'to. sayang yung bala. saka mga pilipino din yung magpapatayan sa huli kung natuloy eh. buti na lang di natuloy. kaso ang nakakaasar, napaka selfish nung mga bumuo nitong pag aalsa na 'to. oo, siguro nga napakinggan kayo ng gobyerno for now. pero sa tingin nyo, 'tong maliit nyong coup attempt ay magkakaroon ng magandang epekto sa bansa natin in the long run? eventually, mamanipulahin din kayo ng susunod na kurakot na uupo sa malacanang. saka look, ano nagawa nyan para sa bansa as a whole? wala. as if ginagawa nyo trabaho nyong mga generals kayo. imbes na gamitin nyo bala't tapang nyo sa mga kapwa nyo sundalo, ba't di nyo gamitin sa MILF? o sa abu sayaff? o dun sa mga intsik na umaagaw sa territoryo natin sa north? o kahit man lang sa mga kriminal? hinde, instead, may mga balita pang gumawa kayo ng panandaliang alliance sa NPA. well, wala naman ako masamang masasabi sa NPA, pero rebelde sila, soldiers and rebels usually don't mix good. actually, they should'nt mix at all. at syempre, tignan nyo nagawa ng inyong 'pagtataguyod ng demokrasya'. nagkagulo ang bansa. di ba pwedeng peace na lang? peace na lang. alam ko halos parang walang napupuntahan ang pakikipag usap sa superiors nyo para makuha yung pinaglalaban nyo. pero di ba mas magandang option naman yun kesa sa mag stage pa ng rebolusyon, di ba? and again, ngayong nakuha nyo na siguro yung gusto nyong hindi pakikialam ng gobyerno sa army, sa tingin nyo, in 5 or even 10 years' time, ganun pa rin ba ang mangyayari? makakalimutan din 'tong ginawa nyo. hindi sya kasing laki o life-changing ng EDSA 1986 revolution. at pagdating ng araw na nakalimutan na nga yung ginawa nyo, may kurakot na namang makikialam sa inyo, magagalit na naman kayo, at ayan na naman kayo. sana matuto kayo sa mga pagkakamali ng nakaraan. itutok nyo na lang ang mga baril nyo sa mga kalabang nagbabanta sa seguridad ng bansa. yun naman dapat ginagawa nyo eh. hindi sa kapwa nyo sundalo, na sa paglalaban nyo eh kami ding mga inosenteng mamamayan ng pilipinas ang magiging kawawa. ikalawa, yung mga nag demonstrate sa edsa. well, wala na tayo magagawa dyan. konting stir lang, matinding agitation na kaagad ang nangyayari. pero sigurado ako, kalahati ng mga nagrally, and, well, karamihan ng mga rally na naganap, hindi alam kung ano pinaglalaban nila. ang alam lang nila, kalaban nila si Gloria. itanong natin sa kanila kung bakit. again, kalahati lang ang makakasagot ng tamang sagot kung bakit lumalaban sila kay Gloria. maraming factors eh. media, pagmamanipulate ng mga pulitiko sa mga utak ng tao, saka yung likas na pagiging pakialamero ng iba dyan. ang pakiusap ko lang sa mga nagrarally.. please, kung hindi nyo alam kung bakit kayo nasa kalsada, wag na kayo sumawsaw. mapapalo lang kayo ng pulis ni cruella. teka, bakit ko sinasabi na marami sa kanila ang di alam kung ano yung pinaglalaban nila? simple. di nila alam kung pano naging kurakot si GMA. ang alam lang nila kurakot at manipulador sya. kung ako magrarally sa labas para patalsikin si GMA, ito'y dahil sa ayoko ng mga mali nyang ginagawa tulad ng pag declare nya ng Administra-este National state of emergency, yung pagpigil ng freedom of the press, mga maling policies nya sa pagpapatakbo ng mga departamento nya, saka syempre yung pananakot nya sa foreign investors dahil sa mga iskandalong kinasasangkutan nya, etc etc. di dahil sa ayaw ko sa kanya o naniniwala ako sa kung ano mang paninira ng oposisyon. lahat naman sila kurakot eh, hahaha. but again, that's not enough for me to budge my lazy ass out of my seat and make me wave an anti-GMA banner along edsa. that won't do. besides, sa tingin nyo, sa libo-libong maliliit na rally nyo, may presidente na bang nakinig sa inyo? sasabihin nyo si Marcos. alam nyo, kung hindi lang sawa sa kanya ang lahat ng tao sa buong mundo, baka hanggang ngayon sya pa rin presidente natin. revolutions to the scale of the 1986 EDSA people power brings down presidents, not mini-rallies held along the corner of legarda and mendiola. sasabihin nyo rin si Erap. para sa akin, hindi EDSA 2 ang nagpatalsik sa kanya. na-outmaneuver lang sya ng oposisyon, that's all. and I'm sure marami sa mga nagrally sa EDSA 2, mga mahihirap na again, di alam kung bakit nila kalaban si erap. saka, para sa kin, tax payers at mga taong may marangal na trabaho lang ang may karapatang mag rally. alam nyo na kung bakit. kung ako ang gobyerno, hindi ako tutulong sa mga taong wala rin naman gingawa para sa bayan. saka, ika nga sa ragnarok, ang mga tunay na adik, wala sa mga ragna conventions. naglalaro sila ng ragna. pareho din yan sa mga taxpayers. pag may malaking rally, nasan ang mga taxpayers at mga marangal na wage-earners? either nasa trabaho nila o naaabala ng trapik na dulot ng rally. sino din kawawa? ekonomiya natin. daloy ng pera. pag galaw ng mga sistema ng bansa. and.. last but not the least.. time to bash cruella, hehehe. Madam president.. you corrupt politicians.. you all suck. ano na namang kalokohan naisip mo at ng mga advisors mo ngayon? kahit congress at senado di pa naisip 'tong ginawa mo ngayon ah. national state of emergency? bakit, pag namatay ka, sasabog ang pilipinas? golly, we'd do sooooo well without you on the face of the planet. simula pa lang, di na ko naniwala sa laban mo sa EDSA 2. political maneuvering lang yang ginawa mo noon. pareho lang kayo ng side ni erap nung panahon na yon. ginamit nyo lang ang taong bayan para lumaban sa mga makasarili nyong giyera. pareho lang kayo para sa akin. andami nyong binalahurang marangal institusyon at samahan para lang makamit nyo mga gusto nyo. kung sa bagay, nakakalasing nga naman ang kapangyarihan. pero ika nga sa mga beer commercials, drink moderately! sa sobrang takot nyo mawala ang karapatan nyong umupo sa opisina nyo sa malacanang, nagtatago kayo sa likod ng mga milyon milyong marangal na taong bayan na araw araw nagpapagod at nagpapakahirap para lang mapondohan ang mga kaprichuhan nyo. saka ansarap nyo rin sisihin sa paghihirap ng mga libo libong mamamayan under the poverty line. kung kinuha ko siguro bank account nyo at pinamigay ang pera nyo evenly sa mga mahihirap, baka may tig isa nang ps2 yung mga anak nila. tapos pag pinapalayas na kayo ng taong bayan, magpoproklama kayo ng national state of emergency? stop kidding me! kayo lang ang in danger dahil sa mga pinaggagagawa nyo. wag nyo idamay ang mga inosenteng tao na gusto magtrabaho at ang mga estudyanteng gusto naman mag aral para naman maiahon ang bansang 'to! para sa inyo rin naman eh. mas mayaman tayo, mas makakapag liwaliw kayo sa pera. ewan ko sa yo, GMA. sobrang nearsighted mo. hindi mo alam kung anong naging epekto ng mga ginawa mo ngayon sa legacy mo. good job, forever kang maaalala ng mga tao as the president who proclaimed PP 1017, much like the way marcos declared PP 1081, martial law. ayus yan. kaya kung ako sa yo, ihanda handa mo na helicopter mo papuntang hawaii. isang mali pa, baka magkaroon ng people power special deluxe edition para patalsikin ang kurakot mong nunal papunta sa kung saan mang bansa na kung saan legal ang panloloko ng mamamayan. hay.. pero sa bagay.. palagay ko wala na ring gana ang mga matitinong mamamayan ng pilipinas para magtayo pa ng isa pang totoong people power revolution na tulad ng EDSA 1986 revolution. masyado nang.. pointless para gumawa ulit ng ganun. di pa naman ganun katindi ang kasamaan ng present administration. at least natututo ang mga pulitiko ngayon sa nakaraan. alam na nila ngayon kung hanggang anong degree ng corruption nila bago magising ang mga pilipino. saka.. eventually, babalik din naman sa dati eh. saka.. sa tingin nyong lahat, ipaglalaban pa ba natin ang bansa natin sa lagay nito ngayon? na nailampaso na ng talamak na corruption at pagiging makasarili? parang ang kailangan na nga ng bansa natin eh sakupin na lang ng mga amerikano, para at least maayos nila tayo. haha joke lang. pero eto, para sa inyong lahat ang tanong na ito: Is our country still worth fighting for? kung buhay pa kaya si Ninoy, ano kaya ginawa nya? ano kaya isinagot nya sa tanong ko? |
|

.