Entries for November, 2004
November 1st, 2004
nabalot na ng liwanag mo ang buhay ko... POSTED AT 01:35 PM Ah, it's been long since nag lagay ako ng entry... well, wala naman ako masyado makwento... sembreak eh, wala naman masyado nangyayari. All I ever did these past few days was play diablo with my friends at the official tambayan. Binawi ko rin lang yung nawala sa unang character ko... ayun, nahabol ko rin yung level ng barbarian ko (may he rest in peace), nakakuha ng mas maraming magagandang gamit, at nagkaprogress sa nightmare mode... yun lang... Boring eh no? Well, parang hinihingi ko na tuloy na mag pasukan na. Besides, gusto ko na makita ulit ang prinsesa ko, so talagang excited na ako sa pasukan... haha, come to think of it, s'ya na lang ang drive ko para ituloy ang aking pointless existence... Kagabi, dahil sa pagod at sa mga nangyari nga that evening, lumabas yung cynical/pilosopo side ko. Sabi tuloy ni ma, basahin ko daw yung A purpose-driven life. Ipapahiram na rin nya sa 'kin sana eh... kaso masyado daw ako pilosopo para sundin yung mga bagay na nasusulat dun sa librong yun... hehe buti alam nya. Kung susundin ko yung idea nila, magiging parte na lang ng isang paulit-ulit na cycle ang buhay ko... ayoko kasi ng ibang tao ang nagdidictate kung pano ako mabubuhay (sa maikling salita, matigas ang ulo ko, hehe). Pero inisip ko rin, hindi ko na kelangan gumawa ng isang imbentong purpose just to make me look up and and be peppy. Sensya sila, meron na akong dahilan para mabuhay eh... a reason to wake up each day, a reason to continue, a reason not to break down, a reason to fight to exist... And I'm going to see her again on wednesday :D Pagod lang talaga ako... Feeling: drained pour moonshine
|
|
November 3rd, 2004
ang reklamador POSTED AT 12:03 AM - May dalawang bagay na pinapagawa si ma sa akin, hanggang ngayon nde ko pa rin nagagawa. Sana bukas magkaroon ako ng sipag para gawin yung dalawang bagay na yun. Gusto ko na rin tapusin para wala nang iniisip na problema. - Hindi ko alam kung susunod pa ako kina james sa lakad nila sa tayuman after ko pumunta ng roxas bukas. Hindi ko rin kasi kilala yung pupuntahan nilang may birthday eh. Inuman yung pupuntahan ko, pero hindi na ako umiinom. Tsaka baka maligaw din ako sa tayuman. Pero, on the other hand, gusto ko rin sila samahan kase ipapakilala sa 'kin ni james yung bago nyang "friend"...haaay bahala na bukas. - Pinaghahanap ng mga tanod 'yung baliw na naka-maskara't naka tali yung t-shirt na nagtatatakbo sa sementeryo sa holy cross nung linggo. Nanggugulo daw. Ang hindi nila alam ay si chris pala yun. Buti na lang hindi hinanap yung mga kasama nya (which includes me). Hehehe... - Hanggang ngayon wala pa ring progress yung character ko sa Diablo II. Wala na akong ginawa kundi patayin ng paulit ulit si mephisto at diablo sa normal mode, at minsan si baal na rin, pero hindi ko magawa-gawa yung quest ko sa act II ng nightmare. Tamad talaga ako... - And on top of that, nagsara ng maaga ang tambayan! O hindeeee... Ahh ewan, basta, tapos na ang araw na 'to. Isa lang talaga ang nasa isip ko ngayon... Makikita ko na naman si rika ko bukas ![]() Tulog na nga ako~ |
|
November 9th, 2004
'see you on the 16th' POSTED AT 07:40 PM Ganda rin sa lilipatan ko. Maluwag, malawak yung campus. Friendly yung mga tao. Maganda rin yung schedule ko (medyo, ehehe). Pero ang pinakamasaya... daming tambayan! Sa harap mismo ng gate~ hehehe. LOL, wala lang masaya sa new school ko. Everything's perfect... Sana lang walang masamang mangyari. Anyway, ehehe wala lang, nawala karamihan ng mga testi sa friendster. Kasama na dun ung mga testimonials sa account ko. Ahehehe, wala lang... Excited na ako sa 16
|
|
November 11th, 2004
mga naiisip ng isang taong walang tulog... POSTED AT 03:19 AM Dapat mambalato si Bush sa pagkapanalo nya. Kung kaya nya armahan lahat ng sundalo nya ng tig-isang M16 (worth around $580), palagay ko kaya nya bigyan ng tig-isang PS2 lahat ng bata dito sa Pilipinas. Pwede rin nya ako ibili ng miata na matagal ko nang pangarap...ahihihi. At kung kaya nya bigyan ng tig-isang backpack ng MRE's kada sundalo nya (hehe kung alam nyo lang laman ng isang MRE ng isang marine, kala mo take-out order sa chowking yung mga dala nila), kaya rin nya tapusin yung famine sa ethiopia. Haaay, uneven distribution of world resources nga naman o... Ano kaya reaction ni Bush pag napanood nya yung commercial na "manggas pa lang ng t-shirt mo, tanghalian na nya"? Anyway, bored lang ako. Weird nga eh. Kanina pa ako parang inaantok, pero look, hanggang ngayon hindi ako makatulog. Boring talaga dito sa house. Tagal pa kasi ng pasukan namin eh. Samantalang yung mga kaibigan ko nagsipasok na. I'm all alooone~ Haaay, subukan ko na nga matulog... Listening to: Parokya ni Edgar - Inuman na |
|
November 23rd, 2004
klase... POSTED AT 04:54 PM Anyway... bad trip lang ako sa typos. Isang pagkakamali lang at sira na ang source code ng ginagawa kong program. E madalas nakakaduling yung code pag tinignan, kase pare-pareho ung mga codes. Buti na lang at mabilis ako mag-encode, kaya nade-debug ko kaagad. Tsaka buti na rin at tinuruan ako ni ser kanina ng isang shortcut technique para dun sa mga commands na madalas gamitin sa code. Onga pala, speaking of debugging, ako na rin official debugger ng mga kaklase ko. Since ako nga madalas ang pinakaunang matapos, ako taga-ayos ng mga code nila pag ayaw mag-run ng mga gawa nila. O di ba. May katulong na si ser sa pag-debug, LOL. After nung class, videoke kami ng classmates kong barkada ko na rin (anim kami, ako, si jelyn, elmo, ivan, marianne, joanne, tsaka si anne+si sir mak, so pito). Syempre, bumabanat sa amin yung dalawang singer sa grupo, si anne tsaka si elmo. Kumanta din si sir, habang pinagtitripan namin silang dalawa ni anne (inaasar kasi si anne kay sir e). Kuha ko na rin yung results ng mga exam ko kaagad (syempre, malakas kami sa prof eh, lugi ung ibang kaklase, hahaha). Habang tsinecheck ni ser yung mga papel, kwentuhan kami ng barkada ko sa loob ng room. Sayaw pa kami ng sayaw ni anne, ala-disco, hahaha. Tapos nagka-ayaan pa sa timog, kaso may mga kanya-kanya kaming lakad, so sa friday na lang. So yun, ang results ko... Maj. exam 1, 95%, prelims, 93%. Bwahahaha, sure 1.5 na ko sa CSCI. Haaay, pagod pa rin ako... relax muna ako. Ciao!
Listening to: Rivermaya - Grounded ang GF ko |
|
November 26th, 2004
sa loob ng classroom~ POSTED AT 11:16 AM Gumagawa ako ng entry sa loob ng aming classroom~ bwahahaha... Wala lang, maya maya iinstallan ko to ng YM para pwede na ko mag yahoo messenger, LOL. (at hindi daw si ser mark ang professor namin... DAW... babatukan ko talaga tong si ser... hahaha) Anyway, hehe, saya na naman mamaya, sigurado
|
|
November 27th, 2004
friday nga naman oh.. POSTED AT 02:16 AM Umaga May bago kaming prof sa comp02lec. Kala namin nung una masungit, pero turns out halos singbait din sya ni ser mak. Magaling din sya magturo. Tsaka talagang inasikaso nya yung paghabol namin sa lessons. At maganda pa. San ka pa? LOL. Tanghali Nag lunch, tapos nag videoke ng sandali. Dumeretso sa class. Nalito pa kami ng classmates ko kung san talaga ang room at kung sino talaga ang prof (dahil sabi ni ser mak, hindi daw sya ang prof, naniwala naman kami, pero amf, sya pala talaga, nanloko lang). So yun, pinagawa kami ng machine problem. Eh sandali lang naman sa kin un, so nag internet muna ako't gumawa ng entry. Habang binubuksan ko ung mga folders nung computer, may nakita akong isang program. At, haha, yun pala ung server control program ng mga IT units! That means, kaya ko kontrolin lahat ng mga IT computers na nakakabit sa LAN! Hahaha, ansarap lokohin ng mga kaklase ko. Inagaw ko ung mouse, sinara ko ung mga gawa nila, nag type ng kung ano sa mga screen nila, LOL. Eh nahuli ako ni ser, kala ko pagagalitan ako eh. LOL hindi nya pala alam ung netcontrol! Hahaha naki loko rin sya eh, tinira naman nya ung mga computers sa babang lab. Haaay, sana dun ulit kami mag lab, next time kokontrolin ko naman ung mga computer sa kabilang room, LOL. Hapon After nung class, dumeretso na nga ako ng p. faura. Kita kami ni rika sa starbucks sa loob ng rob. Departure time: 2:00, Arrival: 4:00. Gah, hindi ko akalain na ganun pala katraffic sa dadaanan nung FX mula SM north ppntang p. faura. Tapos lobat pa ung cel ko! Amf, nagpapanic na talaga ako eh. Hindi ko malaman kung magkikita kami eh, hindi ko pa sya makontak. Tapos pag dating ko pa dun sa loob ng rob, naligaw pa ako. Paikot ikot ako dun sa harap ng fountain. Buti na lang naisipan ako tulungan nung isang girl dun. Anyway, ayun, pag dating ko sa starbucks, antay ako. Kala ko talaga umuwi na sya kase kala ko 5 na. Pero buti na lang nakita ko rin sya. Haaaay~~~ Gabi So yun, after ng starbucks, tambay kami ni rika sa baywalk. Onga pala, sensya po, medyo blanko ung utak ko eh, dala siguro ng pagod/kakaisip. Pero basta, kahit sandali lang, eto ang pinakamasayang part sa araw ko, di ba di ba~ ![]() Anyway, ayun, after nun, hanap kami ng sakay. At wow, lahat ng fx puno. So, para makasakay si rika, lakad kami hanggang kalaw, hahaha. After nya makasakay, gah, gumana ang katangahan ko. Imbis na sa UN ave na lang ako sumakay, nag backtrack pa talaga ako papunta pedro gil, amf. Masyado kasi ako na-starstruck eh, LOL. Habang naglalakad, muni-muni ako habang nakahangad, nakatingin sa buwan at sa mga bituin~,LOL. Clear ung sky eh. Dumeretso muna ako ng timog, celebrate sana kami ng anniversary ng friend ko at ng husband nya. Pag dating ko dun sa harap ng venue, kita ko ung barkada ko, hindi pa nakakapasok kase puno lahat ng tables, nakareserve pa lang sila. Eh, well, medyo ala na ko sa mood, so umuna na ako sa kanila't naisipang umuwi na lang. Medyo pagod na rin kasi ako eh. Anyway, happy 1st anniversary sa inyo, anne .Matapos ang isang pulutong na traffic, nakarating din ako sa wakas sa bahay. At aba, maraming tao sa loob, puro babae. Kala ko nananaginip ako, LOL. Un pala, extended bday party ni mama, kasama ung friends nya at mga anak nila. So un, kumain muna ako, tapos computer muna saglit, tapos tulog. Eh ang ingay nila, tapos anlakas pa ng volume ng pinapanood nilang movie, nagising tuloy ako. At ngayon, eto ako, hindi na makatulog. May pasok bukas!!! Haaay... Haba rin ng araw na to. Masaya, pero medyo napagod din ako eh. So, hay, subukan ko na nga matulog. Ciao
Reading: Unfinished tales of Middle-Earth and Numenor Listening to: Misterio - Slapshock |
|
