Entries for October, 2004
October 3rd, 2004
an endless stretch of road...and manaoag :D POSTED AT 08:30 PM saturday from house to mall, namili ng baon: 12 to 2 = 2 hours trip to manaoag: 3-8 = 5 hours dinner: 8-9 = 1 hour naghanap ng inn: 9-10 = 1 hour stay sa inn (sat): 10-12am = 2 hours total ng saturday sa lakbay+side trips: 11 hours manaoag shrine: 0 sunday tulog to departure from inn: 12am-8 = 8 hours nag libot at nag simba sa manaoag shrine: 8-10 = 2 hours breakfast: 10-10:30 = 30 mins nagtirik ng candles at pumilaaa sa shrine: 10:30-12nn = 1 hour 30 mins namili ng kung ano ano: 12-1 = 1 hour lunch sa urdaneta: 1-2 = 1 hour trip pauwi: 2-7 = 5 hours total ng sunday sa lakbay+side trips: 15 hours 30 mins manaoag shrine: 3 hours 30 mins total score: lakbay+side trips: 26 hours 30 mins+ manaoag: 3 hours 30 mins+ hehe patas na patas :D LOL Well, akala nga namin wala masyado tao dun sa shrine...kaso, wow, ang ganda ng tiyempo namin. First sunday ng october ngayon, which means, piyesta sa manaoag. Kaya pala halos maubusan na kami ng vacancies sa mga hotel kagabi. Malay ba namin na piesta dun :D. Anyway, andami ng tao. Mas siksikan kesa sa usual. Tapos, gash, yung pila para makahawak lang dun sa laylayan ng damit nung statue ng lady of manaoag, wooooh, kala mo pila ng food rations nung great depression. mga 5 ikot yata ginawa namin sa pila, for just a few seconds na mahawakan yung damit...pero I guess it was worth it. Pilgrimage nga eh :D. Basta, andamiiiing tao, that's all I can say. Wala rin naman masyado pwede gawin sa manaoag aside from going to the shrine...so, yun. Wala ngang internet cafe eh T_T. Oh well... haaay makapagpahinga na nga... pour moonshine
|
|
October 4th, 2004
nakakapanghina... POSTED AT 08:38 PM Andami ko talaga poproblemahin ngayon...lumipat ng school, shift ng course, asikasuhin yung issue namin ni dad, asikasuhin yung mga maliliit na bagay, at kung anu-ano pa...kanina pa, dahil sa maling basa ng isang entry, muntik na ako maiyak...buti na lang hindi matutuloy yung plano nya...sana hindi na nga matuloy. Tapos, malamang mag-aayos na naman kami ng budget, grabe na talaga ang expenses ngayon...mahirap na mawalan o masiraan ng gamit, kase talagang mahirap na rin palitan...kahit gasgas lang ng kotse, mahirap na rin ipaayos, grabe... Ang ganda pa ng news sa tv...sagot ni gloria sa kahirapan at lugmok na ekonomiya: manibak ng mga gov't employees, kaltasan ang sweldo ng mga natitirang empleyado, at taasan ang mga buwis. Bravo...at imbis na pakainin yung mga mahihirap at magbigay ng trabaho, ang iniintindi nila yung milyones na loan nung head ng GSIS...kaya minsan ayoko na manood ng news eh. Hindi ako mahilig sumawsaw sa mga issues na ganyan, madalas tinatawanan ko lang yung mga politiko natin eh, kaso, parang sobra na. Parang wala nang pag asa ang bansa natin... Lalo tuloy ako hindi makatulog... Kulang na lang umulan ng apoy tsaka lumindol, end of the world na yung setting...hehehe Feeling: restless |
|
October 13th, 2004
bump ko lang :D POSTED AT 07:34 PM and thanks kay rika sa new layout. lufet tlga! :D thanks ulit :D |
|
October 15th, 2004
sa wakas~ POSTED AT 02:04 PM Haha, at, hmm last night...hehe, last night was the best night of my life un lang, para ala na chismax, hehehe~ umm basta, at last...thank you my dream girl. You made this guy the happiest person in the world last night ![]() and nde ko na masyado hahabaan tong post ko, wala ako sa bahay namin, so, ciao! |
|
October 18th, 2004
wala lang... POSTED AT 07:32 PM .Anyway, wala lang, wala naman masyado bagong balita...ah, kahapon, pumunta kami tagaytay, dun sa monastery ng pink sisters. Nag stay ng konti, tapos deretso sa taal vista...enjoy sana, kaso masyado ho-humm, nde ako nasarapan eh. Nag enjoy lang ako nung bandang kumain na kami, hahaha... Hmm what else, ah ayun, nung sabado ng gabi, hahaha nag ubos ng load sa kin ang princess ko, pati payphone hindi pinatawad, LOL. Pero sayang, sana sinamahan ko sya dun sa debut ng friend nya, para man lang nakita ko first-hand yung ayos nya...hanggang pics lang tuloy ung nakita ko, but still, tama nga ako, she looked stunningly beautiful . Oh well, basta, bawi na lang ako next time, I'll make sure sasamahan ko sya.Yun lang muna siguro...sa tagal kong hindi nakakapag update ng journal ko nakalimutan ko na pano gumawa ng entry, hehe. So, sige, ciao peepz! |
|
October 21st, 2004
wirdong bata... POSTED AT 03:28 AM Ewan ko, ako'y nababaliw na ata...alas dos pa lang gising na ako. Ngayon lang kasi ako nakatulog ng 7 ng gabi eh, usually ang pinaka maaga kong tulog eh 10pm. Note, pinaka maaga ko na yun. Kaya ngayong sembreak, ang kelangan ko talaga gawin is, ayusin yung tulog ko. Para hindi lag ang utak pagka gising, hehe. At napapansin ko rin, hindi na rin ako masyado pala-update ng blog ko. Wala naman sa wala ako maikwento or anything, pero parang these days nahihirapan ako ilagay sa salita yung mga naiisip ko. Marami rin naman nangyayari sa paligid ko pero parang hindi ko kayang ikwento ng maayos. Eto siguro epekto ng sobrang pahinga, hindi makaisip ng maayos. Ano ba yaaan... Ah, eto rin. Marami akong mga dating kaibigan bigla ko na lang nakikita ulit. Mas madalas ko na rin kasama yung mga kaibigan ko dito. At isa lang ang sinasabi nila; nagbago daw ako. Hehe, napansin nila lahat na mas masaya na ako ngayon. Pati yung mga dati kong teachers sa higschool ko napansin yun. Ah well, alam nila kung bakit, hindi lang nila alam bakit ganun na lang yung pagbabago ko. Pero sabi nila, di bale na, at least masaya na ako ngayon .Haaay, dala din ng sembreak; dahil sa wala kami magawa ay naglaro kami ng diablo II. Yep, diablo II. Parang yung huli kong laro nito, 3 years ago pa. Pero walang kwenta ung laro ko nun, puro daya, hindi ko malaman yung pagkakaiba ng mga kalaban kase lahat sila parepareho tumba. Ngayon, alam ko na. Hahaha, hindi ko alam na ganun pala kahirap ang act IV. Talagang dalawang araw ko pinaglamayan kung pano papatayin si diablo eh. At ang pinakamalaking dilemma ko eh kung bakit ambilis ko mamatay pag ginamitan ako ng magic. Lalo na ngayon, sa act V, kelangan ko talaga isipin pano mabubuhay pag sinugod ako ng consumed fire boar at iba pang mga kalaban na sumasabog pag pinatay. Kase pag pumatay ako ng isa, may backfire na bawas. Dalawang ganun ang patayin ko, patay din ako T__T. So sa mga veteran ng Diablo II dyan, maawa kayo sa barbarian ko't sabihin sa kin ang sikreto ng magic deeef!!! T__T Yun lang muna. Isipin ko pa yung gagawin namin ng princess ko sa friday (nakakahiya talaga sa kanya, roxas na lang lagi), so ciao! Listening to: First Love - Utada Hikaru Feeling: contemplative/speechless |
|
October 23rd, 2004
Errare humanum est POSTED AT 09:23 PM KAHAPON Kahapon, ang galeng. natulog ako ng 2, gumising ako ng 7, walang gumigising sa kin! Hahaha record 'to. Sabi na nga ba't gumagana pa yung biological alarm clock ko. Sabi ko kasi sa sarili ko na kelangan ko gumising ng maaga. Pwede pala yun...LOL. Anyway, ayun na nga. Sasamahan ko si rika kumuha ng grades nya. Tapos manonood kami ng movie. Afterwards, pupunta kami ng alabang town center para makipagkita sa mga friends nya. Yun yung "plan" (wala naman kasi ako definite plan eh, stupid me). Ok din naman, medyo nasunod yung "plan". Dumating ako dun mga bandang tanghali na, kaya naabutan tuloy kami ng lunch time. So, since hindi namin makuha ung grades, nanuod muna kami ng sine. Ok din yung napanood namin; white chicks. Tapos nun, bumalik kami ng up para kunin na yung grades. Ayun, nakuha din nya ung grades nya (ahehe congrats sa 3...ba, math ng up yun). Anyway, tapos nun, starbucks ng saglit, then deretso na kami ng alabang town center. Ayun, ok naman, pag dating dun, pinuntahan namin yung friends nya sa food court. Tapos nun, picture-taking, tapos uwian na... Well, ayoko na maalala yung katangahan ko nung gabing yun. I never felt so...weak. Ah, basta, nde mo kelangan mag sorry okey? Kasalanan ko rin naman in the first place eh...anyway...basta, thank you sa kahapon. Basta nandyan ka lang, masaya na talaga ako. KANINA Sama ng pakiramdam ko pagkagising ko. Kaya ginawa ko lumabas muna kami ng mga friends ko, tapos laro muna kami saglit. Kaso hindi ko nakayanan yung sama ng pakiramdam ko eh, so umuwi ako kaagad. Ayun, nagpahinga ako ng konti, kaso nung pag gising ko medyo masakit pa rin katawan ko...buti na lang maayos na pakiramdam ko ngayon...iba talaga effect mo sa kin .So yun na muna. Until now, iniisip ko pa rin kung pano magsusurvive ng maayos sa diablo II...parang naiimagine ko na yung laban namin ni Baal...bibilangin ko kung ilang beses ako made-deds, hehehe . Ciao!Ah onga pala, I love you rika
Listening to: Wait and see - Utada Hikaru Feeling: happy |
|
October 24th, 2004
sakit ng ulo POSTED AT 06:10 PM Anyway, kanina. Ang ganda ng gising koooo~ pagkagising na pagkagising ko pinabihis kaagad ako't magsisimba daw kami. Haaay, nde ko sana gusto sumama, kaso nde ako nakasimba nung friday, so bawi ko 'to. And yun, nagsimba nga kami. Kaso may phobia na ako every sunday, kase pagkatapos namin magsimba, laging may pinupuntahan. Pero ang sabi ni ma, wala na daw kami ibang lakad after nung mass. Naniwala naman ako, at gusto ko talaga maniwala na lang sa kanya kase gusto ko na umuwi ng maaga para makausap ko na si labs ko...kaso...ayun, pagkatapos ng misa, imbis na lumiko kami pakaliwa (na papunta sa subdivision namin), lumiko pakanan (papuntang highway). Sabi na nga ba't kasinungalingan na naman yung sinabi ni ma eh...basta, kung san san na naman kami napunta...sakit lang ng ulo naidulot sa kin (well, nabusog ako ng todo sa yang chow nung kumain kami sa mann hann; ba, kelangan nila magbigay ng compensation sa oras na nawala sa kin)...oh well... Haaay, wala lang...miss ko na si rika ko...ang hirap ng malayo s'ya sa 'kin...mukhang sa enrolment pa kami magkikita ulit, ilang araw ba yun...mga 8-10 days ang pinakamaaga....huuuu nakaka frustrate. Ba't kasi you're so faaar~...bahala na, bawi na lang ako sa pasukan...araw araw ako pupunta ng padre faura! Bwahehehe... Gusto ko ng cd ng diablo II. Kaso ang hirap na makahanap eh. Luma na kasi yung game, pero maganda pa rin, nonetheless. Kelangan ko na talaga para hindi na ako mag rent sa labas para makalaro lang ng diablo II. Sana mawala na yung sakit ng ulo ko. Reading: True philippine ghost stories book 6 Feeling: frustrated |
|
October 26th, 2004
walang magbabago... POSTED AT 09:52 AM Anyway, hindi nga pala lahat ng songs ni utada eh napakinggan ko na. Pero sya pa rin ang fave ko. One day, may tinuro sa 'king site yung kaibigan ko. Puro music videos ni utada, free to download. French yung site, pero madali naman malaman kung nasan yung mga videos. So ayun, I decided to check it out para ma-download ko lahat ng videos ni utada. Syempre inuna ko na yung mga videos na alam ko na. Yun mga songs na yun ang dahilan kung bakit ko naging favorite artist si utada. Tapos yun, nung nadownload ko na yung mga songs na narinig ko na, naisipan ko naman idownload yung mga songs na hindi ko pa naririnig... Lalo ko nagustuhan si utada, kase yung mga bagong kanta na narinig ko, ang gaganda. Yung wait and see, can you keep a secret, first love, sakura drops, etc...lahat sila, paisa isa kong nadidiskubre yung mga ganda ng mga kanta ni utada...lalo ko sya nagustuhan... Kaso may isang song sya na hindi ko nagustuhan, yung addicted to you...hindi ko talaga sya nagustuhan. Na-irita pa nga ako eh, parang nanghinayang pa ako sa oras ng download... Pero umayaw ba ako kay utada dahil sa isang kantang yun na hindi ko nagustuhan? Sumuko na ba ako sa pag hanga kay utada hikaru dahil sa isang kanta na yun? Hindi po. Pero syempre, sana hindi puro ganun yung mga kanta na gawin nya, di ba? sana po gumaan na yung mood nyo...hindi ko nagustuhan yung nakita ko, pero hindi naman kita iiwan dahil dun, di ba? |
|
un lang, para ala na chismax, hehehe~ umm basta, at last...thank you my dream girl. You made this guy the happiest person in the world last night